Confidential funds sa BFAR, magagamit para mapaigting ang pagbabantay sa WPS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malaking bagay para sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) ang dagdag na suporta para mapalakas ang monitoring at surveillance efforts nito sa West Philippine Sea (WPS)

Ito ang ipinunto ng BFAR sa plano ng Kongreso na i-realign sa ahensya ang confidential funds mula sa Office of the Vice President (OVP).

Sa isang pahayag, sinabi ng BFAR na bagamat nakasalalay na ito sa mga mambabatas, malaki na rin aniya ang kanilang pasasalamat na kinonsidera ng mga ito ang dagdag na pondo sa ahensya

“This initiative would empower our agency to strengthen and enhance our existing monitoring, control, and surveillance activities in the WPS and other fishing grounds to ensure the sustainable use of our marine resources and safeguard the livelihoods of our fisherfolk.”

Kaugnay nito, tiniyak naman ng BFAR na ginagamit nito ang kanilang kasalukuyang pondo at assets para mapuksa ang mga iligal, at unregulated fishing activities na patuloy na banta sa kagaratan ng bansa.

Kasama rin aniya sa prayoridad nito ang pagpapadala ng floating assets para bantayan ang mga unlawful fishing activities at magsagawa ng resupply missions para sa mga mangingisda katuwang ang Philippine Coast Guard.

“The DA-BFAR respects the wisdom of our lawmakers in determining the need for budget augmentation,” pahayag ni Director Demosthenes Escoto. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us