Bisa ng Special Permit para sa PUBs na bibyahe ngayong Undas, pinalawig ng LTFRB

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinalawig ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang bisa ng Special Permit para sa mga Public Utility Bus (PUB) na bibiyahe ngayong papalapit na Undas.

Batay sa Board Resolution No. 065, series of 2023, sa halip na mula October 30-November 3 ay tatagal na mula October 20 hanggang November 6 ang bisa ng Special Permit sa mga kwalipikadong pampublikong bus.

Ayon sa LTFRB, layon nitong matugunan ang inaasahang maagang pagdagsa ng mga pasahero sa mga terminal na uuwi sa kani-kanilang mga probinsya para doon gunitain ang Undas.

Kasama rin sa pinaghahandaan ng ahensya ang darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa October 30.

Kaugnay nito, pinaalalahanan naman ng LTFRB ang mga operators na hanggang sa Biyernes na lang, October 6 ito tatanggap ng aplikasyon para sa pagkuha ng Special Permit. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us