Bagong regional director ng Police Regional Office 4A, pormal na nanungkulan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal na nanungkulan si Police Brigadier General Paul Kenneth Lucas bilang bagong Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 4A na nakakasakop sa CALABARZON.

Pinangunahan ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang assumption ceremony sa Camp Brigadier General Vicente Lim sa Calamba City, kahapon kung saan pinalitan ni Lucas si Police Brigadier General Carlito Gaces.

Sa kanyang mensahe, inilatag ni Lucas ang magiging direksyon ng kanyang liderato kabilang ang pagpapabuti sa public safety and security; professional development; at community engagement.

Nangako rin siya na ipagpapatuloy ang misyon ng pambansang pulisya; titiyakin ang kapayapaan at kaayusan; at pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan sa mga komunidad sa rehiyon.

Bago maitalaga sa pwesto, si Lucas ay nagsilbing pinuno ng PNP Firearms and Explosives Office (FEO).

Siya ay miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) “Patnubay” Class of 1995. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us