Patay ang tatlong Pilipinong mangingisda matapos aksidenteng mabangga ang sinasakyan nilang bangkang pangisda ng hindi pa nakikilalang dayuhang commercial vessel habang binabagtas nila ang kahabaan ng Bajo De Masinloc para mangisda noong ika-02 Octobre 2023.
Batay sa pahayag ng isang sa tauhan ng lumubog na FFB DEARYN, naganap ang insidente bandang 4:20 a.m. habang nakadaong ang kanilang mother boat sa 85 nautical miles hilagang-kanluran ng Bajo De Masinloc.
Nagresulta sa pagkamatay ng tatlong tripulante ang paglubog ng mother boat, kabilang na rito ang kapitan ng bangka.
Kinilala ang mga biktima na sina Dexter Laudensia, kapitan ng barko; Benedict Uladandria; at Romeo Mejico, pawang mga residente ng Brgy Calapandayan Subic Zambales.
Ayon sa Philppine Coast Guard, nakaligtas ang labing isang tripulante gamit ang walong service crew.
Lulan ng walong service crew ang labi ng mga namatay nilang kasamahan kung saan sila ay dumaong sa Brgy. Cato, Infanta, Pangasinan kahapon. | ulat ni Ricky Casipit | RP1 Dagupan
Photo: PCG