Namatay ang dalawang notorious na NPA hitmen matapos ang tangkang riding-in-tandem na pag-atake nila sa mga pulis na naka-mando sa Daraga Police Assistance Center sa Brgy Bascaran, Daraga, Albay kahapon.
Sa ulat ni Area Police Command-Southern Luzon Director PLt.Gen. Rhoderick Armamento kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. kinilala ang mga nasawing suspek na sina: Elizaldy “Zandro” Perdigon at Allan Leron, na parehong wanted persons.
Ayon kay Armamento, ang mga nasawi ay sangkot sa pagpatay sa mga pulis na sina Staff Sgt. Abel Sevilla at retired Police Col. Ramiro Bausa, at mga sundalong sina Private John Paul Adalim at Private Mark June Esico.
Tinuturo rin ang mga suspek na sangkot sa panununog sa heavy equipment sa Albay kamakailan.
Narekober sa mga nasawi ang dalawang pistol at isang long firearm.
Pinaigting ang mga checkpoint sa lalawigan habang nagpapatuloy ang hot pursuit operation ng Bicol Police sa iba pang kasamahan ng dalawa. | ulat ni Leo Sarne