DTI Sec. Pascual, pinangunahan ang pagbubukas ng Consumer Welfare Month

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hiniling ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual ang pakikiisa ng publiko, na tangkilikin ang mga produkto na makatutulong sa pangangalaga ng kalikasan.

Ito ang mensahe ng kalihim nang pangunahan nito ang pagsisimula ng Consumer Welfare Month tuwing buwan ng Oktubre, salig sa umiiral na Consumer Welfare Act.

Ang tema ng okasyon para sa taong ito ay GenS o Generation Sustainable na naglalayong isulong ang 7Rs o ang rethink, refuse, reduce, reuse, reporpose, recycle at repair.

Binigyang diin ng kalihim, na malaki ang gastusin kahit sa pagtatapon ng basura kaya’t makatutulong aniya ito para mabawasan ang pagdami ng basura na siyang nakapipinsala sa kalikasan.

Sa panig naman ng mga konsyumer, sinabi ni Pascual na makatitipid din sila ng malaki kung gagamit ng mga praktikal na paraan upang mabawasan ang itinatapong basura. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us