Dagdag suporta para sa PCG at PNP maritime group, ipinahayag ni Senate Pres. Zubiri

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling tiniyak ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang ibibigay na dagdag na suporta ng Mataas na Kapulungan ng Senado sa Philippine Coast Guard para mapaigting ang pagbabantay sa ating mga karagatan.

Ayon kay Zubiri, maliban sa commitment na taasan ang pondo para sa pagbili ng mga dagdag na sasakyang pandagat ay tataasan rin aniya nila ang MOOE (maintenance and other operating expenses) ng PCG.

Ipinaliwanag ng Senate leader na ang dagdag MOOE ay para sa panggastos sa gasolina at iba pang mga pangangailangan ng mga patrol ships ng PCG at sa mga magiging tauhan nito.

Iginiit rin ni Zubiri na target nilang mabigyan ng kakayahan ang PCG na makabili ng malalaking patrol ships para mas mapatagal rin ang presensya nila sa ating mga maritime territory.

Sa ngayon ay hindi pa maibahagi ng senador kung magkano ang magiging dagdag na pondo para sa PCG.

Maliban dito ay suportado rin ng Senate president ang isinusulong ni Senador Francis Tolentino na dagdag pondo rin para sa PNP maritime group bilang sila aniya ang nagpapatrolya naman sa inner coastal waters ng Pilipinas. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us