Nagpakilalang pulis sa viral road rage sa Quezon City, pinaghahanap na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinag-utos na ni Quezon City Police District Director, Police Brigadier General Redrico Maranan, ang pagtugis sa nagpakilalang pulis na nag-viral sa social media matapos mabundol ang isang rider at pasahero nito sa Mindanao Avenue, Quezon City.

Batay sa Facebook post ng isang Rayou Carbonnel, pasahero ng rider, habang binabaybay nila ang Mindanao Ave., ay biglang nag-overtake ang isang lalaki na naka-motorsiklo rin at nabangga sila.

Pero sa halip na tumigil ay pinaharurot pa nito ang kaniyang motorsiklo kaya hinabol ito ng rider para komprontahinn at panagutin sa nasirang bahagi ng kaniyang motorsiklo, maging ang na-injure niyang pasahero.

Nang maabutan at harangin ng rider ay huminto naman ang lalaki pero kinuha nito ang kaniyang identification card at ipinagyabang na isa siyang pulis. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us