242 barangays, inilagay sa areas of concern ng Comelec 

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinukoy na ng Commission on Elections (Comelec) ang bilang ng mga barangay sa buong bansa na nasa areas of concern. 

Sa press briefing ng Comelec, sinabi ni Comelec Commissioner Aimee Ferolino, aabot sa 242 ang mga barangay na nailagay sa red category. 

Ibig sabihin nito, sila ay deklaradong areas of concern na may mainit na labanan ng mga kandidato, at pagkakaroon ng mga private armed group.

Pinakamaraming areas of concern ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), partikular na sa lalawigan ng Lanao Del Sur. 

Sabi ni Ferolino, posibleng madagdagan pa ang bilang ng areas of concern habang papalapit ang halalan. 

Samantala, sa ngayon tanging ang Negros Oriental lamang ang nasa Comelec Control at hindi na ito nadagdagan pa. 

Pero ang mga lugar na nasa areas of concern ay patuloy na babantayan ng Comelec, dahil kapag lumala ang sitwasyon ay agad nila itong ilalagay sa Comelec control. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us