Inanunsyo ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pananatili ng suggested retail price (SRP) sa mga pangunahing produkto, hanggang sa katapusan ng taong kasalukuyan.
Ito ayon kay DTI Secretary Alfredo Pascual ay dahil sa ipatutupad nila ang isang memorandum circular mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), na price rounding scheme sa ₱0.25.
Paliwanag naman ni DTI Consumer Protection and Advocacy Bureau Director, Atty. Marcus Valdez II, matagal nang kautusan ito mula sa Bangko Sentral, dahil sa kakapusan ng mga barya sa sirkulasyon.
Dahil dito, sinabi ni Pascual, na dahil sa naturang sistema ay aasahan nang tataas ang presyo ng mga produkto. | ulat ni Jaymark Dagala