DOTr, nagbabala sa publiko kaugnay sa ‘di otorisadong beep cards na ibinebenta online

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbabala ang Department of Transportation (DOTr) sa publiko kaugnay sa pagbili ng mga hindi otorisadong beep card na ibinebenta online.

Ayon sa DOTr, mayroon kasing mga kumakalat na hindi otorisadong paraphernalia items na mabibili online gaya ng charms, keychains, bracelets, at iba pang accessories na umano’y maaaring gawing pamalit bilang stored value cards.

Ang stored value card ay isang electronic card na nilalagyan ng load, at ginagamit para makasakay sa Light Rail Transit (LRT) Line 1, LRT-2, at Metro Rail Transit (MRT) 3.

Nagpaalala naman ang DOTr sa publiko, na ang stored value card na inisyu ng AF Payments Incorporated, may-ari ng beep trademark at logo, ang tanging tatanggapin sa mga istasyon ng tren.

Maaari namang patawan ng parusa ang sinumang mahuhuli na mayroong hindi otorisadong mga beep merchandise item. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us