Higit P860-M, na-disburse ng LTFRB sa Landbank para sa mga benepisyaryo ng fuel subsidy

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pumalo na sa P860,977,500 na kabuuang halaga ang naipagkaloob ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Landbank of the Philippines, para maipamahagi sa mga benepisyaryo ng fuel subsidy program.

Batay sa huling datos ng LTFRB, umabot na sa 132,009 operators ng pampublikong sasakyan sa buong bansa ang naisama sa listahan ng qualified beneficiaries.

Nasa 92,755-unit naman ng pampublikong sasakyan ang nakatanggap na ng subsidiya.

Katumbas ito ng P605,186,000 na halaga sa ilalim ng Fuel Subsidy program ng Department of Transportation at LTFRB. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us