Mga liblib na paaralan sa bansa, nakatanggap ng tulong mula sa Meralco

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling nagtulungan ang One Meralco Foundation at Lenovo Philippines Inc. para magbigay ng tulong sa mga liblib na paaralan sa bansa.

Layon nitong mapabuti ang kalidad ng edukasyon, lalo na ang mga eskwelahan na nasa malalayong komunidad.

Kaugnay nito ay namahagi ng mga laptop ang dalawang organisasyon para sa iba’t ibang paaralan sa Sarangani, Sultan Kudarat, Palawan, at South Cotabato.

Ayon sa Meralco, taong 2012 nang magsimulang ilunsad ang naturang programa para mamahagi ng mga laptop at back-to-school kit sa ilang paaralan sa lalawigan ng Iloilo.

Malaking tulong naman ang naturang mga donasyon sa mga guro at mag-aaral, upang maiangat pa ang antas ng kanilang kaalaman gamit ang makabagong teknolohiya. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us