Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na magtutuloy-tuloy ang pamamahagi ng ayuda sa mga maliliit na rice retailer.
Ito’y kahit pa pormal nang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapawalang bisa sa pagpapatupad ng Executive Order no. 39 o ang pagtataka ng price ceiling sa bigas ngayong araw.
Ayon kay DTI Fair Trade and Enforcement Bureau Director, Atty. Fhiliip Sawali, iba naman kasi ang mismong EO no.39 sa pamamahagi ng one time rice assistance sa mga apektado ng price cap.
Paliwanag nito, ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang siyang nangunguna sa pamamahagi ng ayuda para sa mga rice retailer.
Sa panig naman ni Trade Secretary Alfredo Pascual, may aasahan pa ring ayuda ang mga maliliit na rice retailer na apektado ng EO 39 para maging patas sa lahat. | ulat ni Jaymark Dagala