Nilagdaan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang Data Sharing Agreement, na nagbibigay ng access sa PhilHealth sa listahan ng mahihirap na sambahayan ng DSWD.
Ang kasunduan ay nilagdaan nina DSWD Secretary Rex Gatchalian at PhilHealth President at CEO Emmanuel Ledesma, sa pamamagitan ng Member Management Group Vice President na si Lemuel Untalan.
Sa ilalim ng kasunduan, awtorisado ang PhilHealth na gamitin ang Listahanan 3 bilang batayan sa pagbibigay prayoridad sa mahihirap na benepisyaryo ng National Health Insurance Program, na na-institutionalize ng Universal Health Care Act.
Ang Listahanan o ang National Household Targeting System for Poverty Reduction ay nagsisilbing batayan sa pagpili ng qualified beneficiaries ng social protection programs at services ng lahat ng national government agencies, alinsunod sa Executive Order No. 867, Series of 2010.
Dumalo sa ceremonial agreement signing sina Assistant Secretary for NHTS-PR Marites Maristela, Assistant Secretary for Legislative Affairs, at DSWD Data Protection Officer (DPO) Irene Dumlao, at PhilHealth Acting Senior Vice President at DPO Nerissa R. Santiago. | ulat ni Rey Ferrer