Ilang magbibigas sa Kamuning Market, ikinatuwa ang pagbawi ng Pangulo sa price cap ng bigas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magandang balita para sa mga rice retailer sa Kamuning Market ang anunsyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na pagtanggal sa price cap ng regular at well-milled na bigas.

Ilan sa mga magbibigas sa Kamuning Market ang ngayon lang nalaman na inalis na ang price cap gaya ni Aling Jinky.

Aniya, matagal na nilang hinihintay ito lalo’t talagang palugi ang bentahan nila sa murang bigas.

Si Mang Lito naman na may pwesto rin ng bigasan, sinabing patuloy na magbebenta pa rin ng ₱45 na kada kilo ng bigas

Uubusin daw muna nila ang binili nilang suplay tutal ay mula naman ito sa ₱15,000 na cash assistance na natanggap nito sa gobyerno.

Inaasahan naman ng mga magbibigas na ngayong na-lift na ng Pangulo ang price cap ay patuloy na ring bababa ang kuha nila sa kanilang suppliers para patuloy na makapagbenta ng murang bigas. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us