Hinikayat ni House Speaker Martin Romualdez ang capital market community na mag-invest sa Maharlika Investment Fund.
Ginawa ni Romualdez ang pahayag sa idinaos na Forum on Legislative Reforms in the Philippine Capital Market sa Philippine Stock Exchange.
“I encourage our revered guests and esteemed partners to explore this investment opportunity, a venture that signifies shared growth and mutual advancement, propelling our nation towards an era of unparalleled economic renaissance,” sabi ni Romualdez.
Ang MIF ang kauna-unahang sovereign wealth fund ng Pilipinas na inaasahang magdadala ng lalo pang paglago sa ekonomiya ng bansa.
Sa naturang forum ay binigyan diin muli ng House leader ang gumagandang ekonomiya ng Pilipinas sa kabila ng global slowdown.
Ito’y bunsod aniya ng mga inisyatiba at reporma sa pananalapi at pagbubuwis na ipinatupad ng Marcos Jr. administration upang makaakit ng foreign investments sa bansa.
Katunayan sa pagtaya aniya ng World Bank, ang Pilipinas ang fastest-growing economy sa South East Asia at maaaring pumalo sa 5.7% ang ating GDP pagsapit ng 2025.
“While factors such as the global economic slowdown and external environments have posed challenges, the resilience and adaptability of our economy persist. For context, our growth this year is anticipated to surpass that of nations like Indonesia, Vietnam, and Malaysia,” dagdag ng House Speaker.
“Implementing comprehensive financial and taxation reform is crucial. It will attract investments, spur employment, and ensure consistent government revenue streams. Our vision is to cultivate an economy that is inclusive, innovative, and highly competitive,” sabi pa ni Speaker Romualdez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes