Marcos admin, tiniyak ang tuloy-tuloy na suporta sa ‘vulnerable sector’ kasunod ng pagtaas ng mga presyo ng bilihin

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ginarantiya ng administrasyong Marcos na magpapatuloy ang suportang ipinagkakaloob ng pamahalaan sa mga nabibilang sa ‘vulnerable sectors’ lalo na’t naitala ang pagtaas ng inflation nitong buwan ng Setyembre.

Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, magpapatuloy ang hakbang habang ipinapatupad ang mga kasalukuyang aksyon bilang tugon sa naitalang pagtaas ng inflation ng nagdaang buwan.

Ang suporta sabi ni Balisacan ay tuloy-tuloy na ibibigay sa mga mamimili gayundin sa mga magsasaka sa harap ng naging paggalaw sa presyo ng mga pangunahing bilihin nitong nakaraang Setyembre.

Base sa ulat ng Philippine Statistics Authority, pumalo sa 6.1% mula sa 5.1% noong Agosto ang inflation rate.

Ang pagtaas ayon sa PSC ay sanhi umano ng pagtaas sa halaga ng pagkain na pumalo sa 10 % mula sa 8.2% noong Agosto.

Naitala naman ang mataas na inflation partikular sa bigas na tumaas ng 17.9% mula 8.7%. habang tumaas din ang food inflation sa karne na umabot sa 1.3% mula sa negative 0.1%.

Pati ang prutas ay tumaas rin sa 11.6% mula 9.6% gayundin ang mais na tumaas sa 1.6% mula sa 0.9%. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us