MIAA, muli na namang naglabas ng flight cancellationsa 3 int’l flights ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglabas ang pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ng flight cancellation sa tatlong international flight ng Air Asia at Cebu Pacific dahil sa masamang lagay ng panahon.

Ayon sa MIAA, kabilang sa mga kanselado ang dalawang flight ng Air Asia flight Z2 132/133 Manila-Kaohsiung-Manila.

Habang kanselado din ang isang Cebu Pacific flight 5J 311 Taipei-Manila.

Muling pinapayuhan ang mga pasaherong apektado ng kanselasyon na makipag-ugnayan sa kanilang Airlines bago magtungo ng paliparan. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us