Nasawi sa sunog sa Western Bicutan, Taguig City umabot sa 4 na indibidwal — BFP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Apat ang kumpirmadong patay sa sunog na sumiklab sa bahagi ng Gumamela Street sa Katipunan Village sakop ng Barangay Western Bicutan sa Taguig City.

Yan ay batay sa inisyal na imbestigasyon na inilabas ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Taguig.

Wala pang binanggit ang BFP kaugnay ng pagkakilanlan ng mga nasawing biktima na ayon sa awtoridad ay kambal na babae at dalawang lalaki umano ang na-trap sa loob ng bahay at hindi nakalabas habang patuloy ang paglaki ng apoy.

Base sa imbestigasyon nagsimula ang sunog kaninang alas-3:54 ng madaling araw at naapula ito ng 4:37 ng madaling araw na umabot lamang sa unang alarma. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us