Marcos Administration, committed sa pagtugon sa hamong dala ng inflation – Malacañang

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nananatiling committed ang pamahalaan sa pagtugon sa mga hamong dala ng 6.1% inflation rate na naitala para sa buwan ng Setyembre.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Velicaria-Garafil, nagpapatupad na ng iba’t ibang hakbang ang pamahalaan tulad ng Food Stamp program, fuel subsidy, at targeted assistance para sa mga magsasaka upang matulungan ang mga Pilipino sa gitna ng pagtaas ng presyo ng bilihin.

Si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. aniya at ang gabinete nito, puspusan na ang pagkilos upang mapagaan ang transportation costs, at makagawa ng long-term investment sa irrigation at modern farming upang masuportahan ang agri community sa bansa.

Kaugnay nito, ang economic managers, inaasahan na ang pagbaba ng presyo ng bigas lalo’t ang local production ng bigas ay nakikitang tataas dahil sa harvest season.

“Furthermore, we are pleased to report that our economic managers anticipate a moderation in rice prices, as local production increases due to the onset of the harvest season and the entry of rice imports previously ordered. This will further alleviate the burden on our citizens.” —Secretary Garafil

Sabi ng kalihim, hindi nagbabago ang dedikasyon ng Marcos Administration sa pagsisiguro ng stability at pagpapaabot ng tulong sa mga nangangailangang Pilipino.

“The administration’s dedication remains unwavering in ensuring stability and providing assistance to those in need, safeguarding the citizens’ interests in these challenging times.” —Secretary Garafil | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us