Pamahalaan, nakatutok sa paglikha ng mas maraming trabaho sa harap ng pagbaba ng unemployment rate – NEDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mahigpit na tinututukan ngayon ng pamahalaan ang paglikha ng mas maraming trabaho na siyang magpapalakas naman sa labor force ng bansa.

Ito ang inihayag ng National Economic and Development Authority (NEDA), makaraang iulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagbaba ng bilang ng mga walang trabaho sa 4.4 percent nitong Agosto.

Batay din sa ulat ng PSA, mababa ang naitalang unemployment rate nitong Agosto kumpara sa naitalang 4.8 percent noong buwan ng Hulyo.

Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, patuloy ang pagsisikap ng pamahalaan para mapalago ang ekonomiya ng bansa na magreresulta sa paglikha ng mas maraming mga trabaho.

Pinagaganda rin aniya ng pamahalaan ang business climate ng bansa, na layuning makahikayat pa ng mas maraming mamumuhunan.

Sinabi pa ni Balisacan, na sa pag-apruba ng Senado sa Public-Private Partnership Act at dahil sa National Innovation Agenda and Strategy Document 2023-2032, inaasahan ang mas masiglang oportunidad sa Philippine labor market. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us