Tuloy-tuloy ang mga ginagawang operasyon ng Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) upang paigtingin ang pagpapatupad ng batas trapiko, at tiyakin ang kaligtasan ng mga gumagamit ng lansangan.
Ito ay makaraang iulat ng I-ACT na pumalo sa 25 tsuper ng pampublikong sasakyan ang kanilang nahuli sa mga ikinasang operasyon mula Marso 5 hanggang 17 ng taong kasalukuyan.
Ginawa ng pinagsanib na puwersa ng I-ACT, Philippine Coast Guard (PCG), Land Transportation Office (LTO), at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang operasyon sa palibot ng ParaΓ±aque Integrated Terminal Exchange (PITX).
Kabilang sa mga nasakote ay ang isang colorum na van na bumibiyahe mula Cavite at Laguna papasok ng Maynila na walang kaukulang papeles.
Tinekitan din ang iba pang mga nahuli dahil sa paglabag sa Republic Act 4136 o Traffic Code tulad ng pagsasakay ng sobrang pasahero, pagmamaneho ng walang liensya, illegal terminal, hindi paggamit ng seatbelt o di kaya ay ng helmet at obstruction. | ulat ni Jaymark Dagala