Drug suspek, nakunan ng ₱1.3-M halaga ng shabu sa Tondo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Arestado ng Philippine National Police- Drug Enforcement Group (PDEG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang notorious drug suspek sa Tondo na nakunan ng ₱1.3-milyong pisong halaga ng shabu.

Sa ulat ni PDEG Director Police Col. Dionisio Bartolome Jr. kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr.,
kinilala ang arestadong suspek na si Croisito Cubilla Torres, 27 taong gulang.

Naaresto ito sa buy-bust operation sa Barangay 20, Tondo, Manila nitong Sabado ng gabi.

Narekober sa suspek ang dalawang plastic sachet na naglalaman ng 200 gramo ng shabu, boodle money, at cellphone.

Ang suspek ay dinala sa PDEG Special Operations Unit (SOU) NCR, Taguig City para sa dokumentasyon at disposisyon habang ang nakumpiskang ebidensya ay dinala sa PNP Forensic Group (FG) sa Camp Crame para sa eksaminasyon.  | ulat ni Leo Sarne

📸: PDEG

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us