VP Sara, nagbigay ng hanggang ngayong araw sa DepEd Regional Office 4A para resolbahin ang kaso ng Grade 5 pupil na nasawi matapos ang pananampal sa kaniya ng guro sa Antipolo City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inatasan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang kanilang Regional Office sa CALABARZON para resolbahin ang kaso ni Francis Jay Gumikib.

Si Francis Jay ang Grade 5 pupil ng Peñafrancia Elementary School sa Antipolo City na nasawi ilang araw matapos na makaranas ng pananakit mula sa guro nito noong isang buwan.

Ayon kay VP Sara, binigyan niya ng hanggang ngayong araw, October 9 ang kanilang Regional Office para tapusin ang fact-finding investigation gayundin ay suspendehin at sampahan ng reklamo ang mga sangkot sa usapin.

Kabilang na aniya sa mga dapat isampang reklamo ay ang child abuse dahil sa pananampal ng guro sa kaniyang estudyante.

Magugunitang mahigpit ang naging tagubilin ni VP Sara sa mga guro nang pangunahan nito ang National Teacher’s Day Celebration sa Butuan City noong isang linggo na paka-ingatan maigi ang kanilang mga estudyante dahil ipinagkatiwala ito sa kanila ng mga magulang.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us