Militar at simbahan, magtutulungan para itaguyod ang kapayapaan sa Negros

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagkasundo ang militar at simbahan na magtulungan para itaguyod ang kapayapaan sa Negros Island.

Resulta ito ng pagbisita ni 3rd Infantry (Spearhead) Division Commander MGen. Marion R. Sison kasama ang mga matataas na opisyal-militar sa rehiyon, kay Bishop Gerardo A. Alminaza, Bishop ng San Carlos Diocese, sa Barangay Palampas, San Carlos City, Negros Occidental, kahapon.

Dito’y hiniling ng mga opisyal ang bendisyon ni Bishop Alminaza para sa peace and development efforts ng militar sa Negros Island.

Nilinaw ni Bishop Alminaza na hindi niya sinusuportahan ang armadong pakikibaka, pero ang mga ulat ng pang-aabuso ay kailangan aniyang imbestigahan.

Sinabi naman ni MGen. Sison na hindi “abusers” ang mga sundalo, at hindi niya kukunsintihin ang anumang paglabag sa karapatang pantao, kasabay ng pagtiyak na ang mga mapatunayang gumawa nito ay parurusahan.

Sa pagtatapos ng pagpupulong, ipinagdasal ni Bishop Alminaza ang Philippine Army na patuloy na maging inspirasyon at pag-asa ng mga komunidad na kanilang pinaglilingkuran. | ulat ni Leo Sarne

📷: 3ID

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us