Pilipinas, nangangailangan ng mas maraming certified cybersecurity experts

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kailangan nang mag-invest ng pamahalaan sa cybersecurity at cybersecurity experts.

Ito ang binigyang diin ni Bohol Rep. Alexie Tutor matapos ang nangyaring cyber attack sa sistema ng Philhealth.

Ayon sa mambabatas, nasa 200 lang ang certified na cybersecurity specialist sa bansa o katumbas ng 1.8 certified cybersecurity experts kada isang milyong populasyon.

“Kailangan ng hakbang na iyan sapagkat sobrang kaunti lamang ng Filipino IT experts on cybersecurity at lubhang mahal ang customized cybersecurity software, hardware, at architecture designs,” sabi ni Tutor.

Naniniwala ang lady solon na ang sapat na cybersecurity professionals na dumaan sa tamang training ang magsisilbing frontliners kontra cybercriminals.

Pinakokonsidera din ng kongresista ang pagpasok sa private-public partnership upang mapondohan ang kinakailangang cybersecurity system ng bansa.

Isa aniya sa maaaring gamitin dito ay ang $600 million na halaga ng “digital policy loan” para sa Pilipinas mula sa World Bank. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us