Pinasinungalungan ng DENR EMB ang impormasyong apektado ng forest fire sa bansang Indonesia ang air quality sa Davao Region.
Ayon sa kanilang monitoring at latest assessment sa Davao Region, lumabas na nasa good level ang Air Quality Index nito.
Ayon pa na indikasyong ito, satisfactory ang kalidad ng hangin at kaunti o hindi ito peligro sa kalusugan.
Siniguro ng ahensya sa publiko na mahigpit ang kanilang monitoring sa air quality ng Davao Region at patuloy itong magbibigay ng update sa pinakabagong Air Quality Index. | ulat ni Macel Mamon Dasalla | RP1 Davao