Sinimulan na ng National Housing Authority (NHA) ang isang linggong selebrasyon ng ika-48 taong anibersaryo nito.
Ang aktibidad ay may temang: “NHA sa Bagong Yugto: Subok na Serbisyo, Kaloob ay Pabahay Para sa Pamilyang Pilipino.”
Nakasentro ang selebrasyon sa mga accomplishments ng ahensya sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon kay NHA General Manager Joeben Tai, sa loob lamang ng isang taon, marami nang naresolba ang NHA sa kakulangan ng pabahay sa bansa.
Sa taong ito, naglabas din ang ahensya ng ikalawang edisyon ng NHA Standard Housing Models Design Manual na nakaayon sa kasalukuyang panahon.
Bahagi nito ang mga bagong shelter model para sa iba’t ibang housing program na siyang magsisilbing gabay at patnubay sa pagpaplano at pagpapabilis ng proseso ng pagtatayo ng maayos na pabahay.
Bukod dito, pinaigting din ng NHA ang koordinasyon sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa pagpapatupad ng mga proyektong imprastraktura.| ulat ni Rey Ferrer