Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DWM) sa mga overseas Filipino worker sa Israel na nakahanda itong magbigay ng tulong sa kanila.
Ito ay sa gitna ng “state of war” at tumitinding tensyon sa pagitan ng Israel at Palestine.
Sa isinagawang teleconference siniguro ni DMW officer-in-charge Undesecretary Hans Leo Cacdac at Ambassador to Israel Pedro Laylo, Jr, sa mahigit 400 Israel-based OFW Filipino communities at mga miyembro nito na tutulungan at aalalayan sila ng pamahalaan.
Hinimok din ni Cacdac ang mga OFW na sumunod sa abiso ng Israeli Home Front Command at manatiling ligtas.
Samantala, pinaalalahanan naman ni Ambassador Laylo ang mga OFW na patuloy na makipag-ugnayan sa Philippine Embassy at sa mga Filipino community sa Israel. | ulat ni Diane Lear