Senador Villanueva, naghain ng resolusyon para parangalan ang pagkapanalo ng Gilas Pilipinas sa Asian Games

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naghain si Senate Majority Leader Joel Villanueva ng isang resolusyon para parangalan ang Gilas Pilipinas National Men’s Basketball team para sa pagkakasungkit nila ng gintong medalya sa 19th Asian Games.

Sa ilalim ng Senate Resolution 822 ni Villanueva, nagawa ng Gilas Pilipinas na maputol ang 61 na taong pagkakabigo ng Pilipinas na manalo sa basketball sa Asian Games.

Nagawa aniya ito ng Gilas Pilipinas sa kabila ng mga hamong kinaharap sa pagbuo ng line up at sa pagkakaroon lang ng dalawang linggong paghahanda para sa kompetisyon.

Binigyang diin ni Villanueva na ang panalong ito ng Gilas ay nagbigay ng karangalan para sa Pilipinas at labis na ikinagalak ng milyon-milyong Pinoy basketball fans.

Pinakita aniya ng ating national men’s basketball team ang determinasyon, disiplina, katatagan at tiyaga para makapagpamalas ng katangi-tanging performance kaya naman dapat lang silang bigyan ng pinakamataas na pagkilala.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us