Paiigtingin ng Department of National Defense (DND) ang kolaborasyon sa Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) para isulong ang mga programa sa estudyante kabilang ang mandatory Reserve Officer Training Corps (ROTC) Program.
Ito ang inihayag ni DND Senior Undersecretary Irineo Espino na kumatawan kay DND Secretary Gilbert Teodoro sa pagbubukas ng Philippine ROTC 2023 Games nitong Linggo sa Ninoy Aquino Stadium, Rizal Memorial Sports Complex, Malate, Manila.
Dito’y binigyang-diin ni Usec. Espino ang kahalagahan ng mandatory ROTC Program sa indibidwal na pag-unlad ng mga estudyante at pagbibigay sa kanila ng pagkakataon na maging aktibo sa “Nation Building.”
Ang palaro na may temang “Tibay at Galing Pagyamanin, Suportahan Palarong ROTC Natin,” ay nilahukan ng mga ROTC cadets mula sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad na magpapaligsahan sa larong basketball, volleyball, arnis, boxing, kickboxing, athletics, at e-games.
Dumalo sa Opening Ceremony si Senador Francis Tolentino kasama ang iba’t ibang government agency heads, college students, at Army soldier athletes. | ulat ni Leo Sarne
📸: Pvt Angelica Rose Valderrama, OACPA