Naniniwala si Finance Secretary Benjamin Diokno na babawi ang economic growth ng bansa sa pangalawang bahagi ng taon.
Sa kaniyang weekend press briefing, sinabi ni Diokno na mas mabilis ang second half growth dahil sa ‘accelerated spending efforts’ ng gobyerno.
Paliwanag ng kalihim, kaya bumagal ang paglago sa unang bahagi ng taon ay dahil bigo ang ilang ahenysa na gastusin ang kanilang nakalaang pondo lalo na ang mga departamento na dapat magpatupad ng mga proyektong pang-imprastraktura na siyang may nakalaang malaking pondo para sa 2023.
Kaya naman, inatasan aniya ang mga ito na humabol sa kanilang ‘catch-up plan’.
Maalalang naitala ang 4.3% na paglago sa ikalawang bahagi ng taon, malayo sa target na 6% upang matamo ang 6-7% na target na paglago sa buong taon.
Diin ng kalihim, upang mag-improve ang paglago ng ekonomiya, kailangang bilisan ng gobyerno ang paggasta nito. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes