Pinuri ng International Monetary Fund (IMF) si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagsasabatas ng Maharlika Investment Fund.
Ayon sa IMF, malaki ang magiging ambag ng MIF sa pagsusulong ng proyektong pang imprastruktura sa bansa at ang green investment na tumatalima sa Best Practices in Strategic Investment Management and Accountability Frameworks.
Sa Viber message ni Finance Secretary Benjamin Diokno, sinabi nito na nagbigay ng positive outlook ang IMF sa Philippine economy dahil sa mga nakamit ng administrasyong Marcos Jr.
Sa end-of-mission report ng IMF, kinumpirma nito na naging matibay ang ekonomiya ng bansa matapos ang global pandemic.
Kinilala din ng IMF ang nagawa ng economic team ng administrasyong Marcos. Ito ay ang fiscal consolidation sa ilalim ng Medium Term Fiscal Framework, Strong Revenue Performace, Lower Current Spending, at ang pagsisikap na makamit ang mababang Debt-GDP-ratio. | ulat ni Melany Valdoz Reyes