Ikinatuwa ng Lawyers for Commuters Safety and Protection ang agarang pagtugon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa alegasyon ng korapsyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ayon kay LCSP President, Atty. Ariel Inton, maraming problema na dapat resolbahin sa sektor ng transportasyon na lalong lalala kung madagdagan pa ng usapin ng anomalya.
Pinapurihan ng commuters group ang pag-aksyon ni Pangulong Marcos para mabigyan ng malayang imbestigasyon ang umano’y talamak na lagayan sa regulatory body.
Ang pahayag ni Atty. Inton ay kasunod ng pagsuspinde ni Pangulong Marcos kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III matapos ang pagbubunyag sa umano’y lagayan sa pagkuha ng permit sa LTFRB. | ulat ni Rey Ferrer