Higit 50,000 residente ng CamSur, nahatiran na ng tulong sa pamamagitan ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair – DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot na sa higit 50,000 mahihirap na residente ng Camarines Sur ang nakatanggap ng iba’t ibang assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol Regional Office.

Ito ay sa patuloy pa ring paglulunsad ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair-Offsite Serbisyo Payout na nagsimula noon pang September 23.

Sa datos ng DSWD Field Office 5 (Bicol Region), nitong October 7 ay umakyat na sa P105.7 milyon cash assistance ang naipamahagi na sa mga mangingisda, at iba pang mahihirap na residente.

Kasama rin dito ang educational aid sa mga students-in-crisis, sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Sa ngayon, sinisikap ng DSWD na maabot ang iba pang bayan sa lalawigan kabilang ang mga bayan ng Nabua at Ocampo kung saan may higit 1,500 na benepisyaryo ang target matulungan.

Nakatakda naman ang huling payout para sa serbisyo caravan sa lalawigan sa susunod na linggo, October 17.

“We are mobilizing all our staff to pay the 70,000 target beneficiaries of the Bagong Pilipinas Serbisyo Fair before the election ban.  DSWD Bicol is also working hand-in-hand with the provincial government of Camarines Sur to serve all the target clients,” DSWD Bicol Regional Director Norman Laurio. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us