Inutos ni Governor Arthur Defensor Jr. ang pag-reactivate ng OFW Help Desk o ang 24/7 Operation Bulig Ilonggo Migrants Desk.
Layon nito na masagot ang mga concern ng Ilonggo Overseas Filipino Workers (OFWs) at ng kanilang pamilya na posibleng naapektuhan ng ngayong komplikto sa gitna ng Israel at Palestine.
Pinagungunahan ng Public Employment Service Office at Provincial Civil Defense Office ang help desk.
Muling binuhay din ng Iloilo provincial government ang Task Force Bulig Ilonggo at bumuo ng social media chat para maasikaso ang mga pamilya ng mga biktima ng giyera.
Mahigpit na nagmo-monitor si OIC-Governor at Provincial Administrator Raul Banias sa Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) patungkol sa mga nagyayari sa Israel.| ulat ni Bing Pabiona| RP1 Iloilo