DILG, pinasalamatan ang ULAP at iba pang liga ng LGUs dahil sa pagsuporta sa EO 41

Facebook
Twitter
LinkedIn

Parami nang parami ang mga liga ng local government units (LGUs) ang nagpapahayag ng suporta sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nagkakansela sa collection ng pass-through fees.

Kasunod ito ng pagpasa kamakailan ng resolusyon ng League of Municipalities of the Philippines (LMP), Philippine Councilors League (PCL), at ang Vice Mayor’s League of the Philippines (VMLP) bilang pagsuporta sa Executive Order 41.

Inisyu ni Pangulong Marcos Jr. ang EO 41 nitong nakaraang linggo, upang himukin ang LGUs na suspindihin ang pagkolekta ng anumang kabayaran sa lahat ng uri ng sasakyang nagkakarga ng mga kalakal.

Nauna nang nakipagpulong si DILG Secretary Benhur Abalos sa mga opisyal ng ULAP, para kunin ang kanilang suporta sa pagpapaliban ng pass-through fees.

Noong isang linggo dahil din sa inisyatiba ng kalihim, ipinahayag ng Metro Manila Council ang kanilang suporta sa EO 41. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us