Itinalaga ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista bilang officer-in-charge ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) si Atty. Mercy Paras Leynes.
Ito ay kasunod ng pagkakasuspindi kay LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III dahil umano sa katiwalian.
Batay sa inilabas na Special Order No. 2023-353 ng DOTr, magsisilbing OIC ng LTFRB si Leynes epektibo ngayong October 10, 2023 hanggang sa October 9, 2024.
Matatandaang isiniwalat ni Manibela Chairperson Mar Valbuena na mayroon umanong katiwalian sa LTFRB gaya ng pagbibigay ng lagay sa mga prangkisa at ruta. | ulat ni Diane Lear