Panukalang pagpapataw ng excise tax ang mga single-use plastics, itinutulak na maisabatas ng DOF

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinutulak ng Department of Finance (DOF) ang agarang pagsasabatas ng panukalang excise tax on single-use plastics.

Layon ng hakbang na turuan na mabago ang pag-uugali ng mga Pinoy sa paggamit ng mga plastic at mabawasan ang polusyon tungo sa mas sustainable na alternatives.

Ang Excise Tax on Single-use Plastics bill ay isa sa priority bills ng Legislative-Executive Development Advisory Council na iniendorso ng DOF.

Sa ngayon, ito ay nakabinbin sa Senate Committee on Ways and Means.

Sa ilalim ng panukala, papatawan ng excise tax ng P100 ang per kilogram ang mga single used plastic.

Ang klase ng plastic ay gaya ng ice, plastic “labo”, sando bags at plastic na walang handle o ginagamit para sa packaging ng mga goods.

Ayon sa DOF, sa pamamagitan ng pagpapataw ng excise tax, madi-discourage na ang paggamit ng mga ito at kinalaunang mababawasan ang plastic na basura dahil sa kinaugalian ng mga pinoy na “throw away culture.”| ulat ni Melany V. Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us