Sinadya ng Department of Labor and Employment (DOLE)-Caraga kasama ang Provincial Office ang bayan ng Loreto sa Agusan del Sur para maihatid ang tulong na nagkakahalaga ng mahigit P1 milyon.
Mula sa nabanggit na halaga, P885,440.00 nito ay livelihood grant na ibinigay sa New Guitas Farmers Association, kung saan natanggap nila ang apat na Mud Boat Tiller, limang unit ng water pump, at isang Mechanical Corn Planter.
Habang umabot naman sa P199,500.00 ang kabuuang halaga ng ipinasweldo sa limampo’t pitong (57) benepisyaryo sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay Para sa Ating Disadvantaged Workers program (TUPAD) ng DOLE kung saan ang bawat isa ay nakatanggap ng tig P3,500.00 kapalit ng sampung araw ng pagtatrabaho batay sa minimum wage ng Caraga Region.
Bukod dito, may isinagawa ring ‘Proposal-Making Workshop’ para naman sa 29 ka indibidwal na ‘graduate’ na sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Dahil dito, nakagawa sila ng Individual Livelihood Proposal para maka-avail sa DOLE Kabuhayan Program.
Inaasahan naman ni DOLE Caraga Regional Director Joffrey Suyao na sa pamamagitan ng livelihood grant ay makaahon sa kahirapan ang mga magsasaka; at magkaroon naman ng regular na trabaho o kaya’y desenteng mapagkakakitaan ang mga TUPAD beneficiaries.| ulat ni May Diez| RP1 Butuan