Pinanindigan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang kanyang unang pahayag na propaganda lang ng China ang kanilang inilabas na ulat tungkol sa pagtataboy ng Chinese Coast Guard sa barko ng Philippine Navy sa bisinidad ng Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea.
Ito’y sa kabila ng kanyang pagbawi ng kanyang unang sinabi na walang presensya ang Philippine Navy sa lugar, matapos maberipika na may barko nga ang Philippine Navy na nagsasagawa ng maritime patrol.
Hindi naman tinukoy ng heneral ang pangalan ng barko ng Philippine Navy.
Pero klinaro ni Gen. Brawner na hindi naitaboy ang naturang barko dahil tuloy-tuloy lang ito sa kanyang misyon, at hindi naman ito napahinto o lumihis sa tinatahak na direksyon, sa kabila ng challenge mula sa Chinese Coast Guard.
Dagdag ni Gen. Brawner, malayo ang distansiya sa pagitan ng barko ng Philippine Navy at Chinese Coast Guard. | ulat ni Leo Sarne