Mga iskolar na nagwagi sa International STEM Olympiads, kinilala ng DOST

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinilala ng Department of Science and Technology (DOST) para sa mga naging pambato ng Pilipinas sa ginanap na international olympiad sa iba’t ibang bansa ngayong taon.

Ilan sa mga international olympiad na sinalihan ng bansa:

  • 64th International Mathematical Olympiad (Chiba, Japan)
    Team Leader: Dr. Hazel Joy G. Shi, Kerish Villegas & Ruselle Guadalupe
  • 34th International Biology Olympiad (Al Ain, United Arab Emirates)
    Team Leader: Dr. Ronald Cruz
  • 53rd International Physics Olympiad (Tokyo, Japan)
    Team Leader: Niña Angelica Zambales & Dr. Alexander De Los Reyes
  • 55th International Chemistry Olympiad (Zurich, Switzerland)
    Team Leader: Dr. Faith Marie G. Lagua
  • 35th International Olympiad in Informatics (Szeged, Hungary)
    Team Leader: Kevin Charles Atienza
  • 16th International Olympiad on Astronomy and Astrophysics (Chorzow, Poland)
    Team Leader: Ronn Marr Peres & Bernard Llaguno
  • 19th International Geography Olympiad (Bandung, Indonesia)
    Team Leaders: Russel Glenn Odi & Keith Salang

Ayon kay DOST – Science Education Institute Director Dr. Josette T. Biyo, malaki ang tulong na naibibigay sa mga kabataan na pasukin ang science-research programs na inihanda ng ahensya.

Aniya, malaki ang pasasalamat ng ahensya sa mga estudyante na patuloy ang pagbibigay ng karangalan sa bansa kaugnay sa siyensya.

Sa pamamagitan ng Philippine Olympiad teams, humakot ang Pilipinas ngayong taon ng limang silver medals, at 14 bronze medals na pinakamataas na bilang ng naiuwing medalya para sa bansa.

Nagbigay din ng pagbati at pasasalamat si DOST Secretary Dr. Renato Solidum sa kahusayang ipinamalas ng mga mag-aaral sa pagbibigay ng karangalan sa bansa.| ulat ni Mary Rose Rocero

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us