Suplay ng bigas, manok sa bansa, sapat hanggang katapusan ng taon — DA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Walang dapat ipag-alala ang mga mamimili dahil nananatiling sapat ang suplay ng manok at bigas sa bansa hanggang katapusan ng taon ayon yan sa Department ot Agriculture (DA).

Ayon kay DA Assistant Secretary at Spokesperson Arnel de Mesa, walang magiging problema sa suplay ng manok dahil sa pagtaya nito ay mayroon pang sosobrang 120 araw sa suplay ng manok na aabot pa hanggang sa 2024.

Gumaganda na rin aniya ang national stock inventory pagdating sa bigas.

Inaasahan nga ng DA na sa pagtatapos ng Oktubre ay aabot pa sa 77 araw ang imbentaryo ng bigas sa bansa lalo’t ngayong buwan ang peak ng harvest season.

Nakatutulong rin aniya ang tuloy-tuloy na pagdating ng imported na bigas na nakakadagdag sa suplay ng bansa.

Dahil dito, kumpiyansa ang DA na sapat ang imbentaryo ng bigas sa bansa hanggang sa unang quarter ng 2024. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us