Nagpaabot ng pakikiramay ang Embahada ng Israel sa Pilipinas.
Kasunod ito ng pagkasawi ng dalawang Pilipinong naipit sa digmaan sa pagitan ng Israeli forces at ng rebeldeng Hamas.
Sa inilabas na pahayag, nakiisa ang Embahada ng Israel sa pagkondena sa anumang uri ng terorismo at hangad din nila ang maagap na pagtatapos ng gulo.
Kasabay nito, nagpaabot din ng panalangin ang Israeli Embassy para agad na matagpuan ang mga napaulat na nawawala. | ulat ni Jaymark Dagala