Inanunsyo ngayon ng Manila Electric Company o MERALCO na tataas ng 42 sentimos ang kanilang singil sa kuryente para sa buwan ng Oktubre.
Ayon sa MERALCO, bunsod ito ng paggalaw sa presyuhan sa Wholesale Electricity Spot Market o WESM gayundin ang pagmahal ng generation charge.
Kabilang din sa nakaapekto sa taas-singil sa kuryente ay ang pagmahal ng transmission at universal charge o ang mga nasasayang na kuryente dulot ng iligal na koneksyon.
Dahil dito, asahan na ang ₱84 dagdag sa monthly bill ng mga kumokonsumo ng 200 kilowatt-hour na kuryente habang ₱210 naman ang madaragdag sa mga kumokonsumo ng 500 kilowatt-hour. | ulat ni Jaymark Dagala