Master plan sa pagpapaunlad at pagpapaganda ng Kalayaan Group of Islands, inihirit ng mga mambabatas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasabay ng paglalaan ng sapat na pondo para sa Pag-asa Island at iba pang isla sa Kalayaan, itinutulak ng mga mambabatas ang pagkakaroon ng master plan upang mapaunlad at mapaganda ang lugar.

Ayon kay House Committee on Appropriations Chair Elizaldy Co, imbes na pag-awayan ang naturang mga isla, ay i-develop ito bilang tourist destination kung saan maaaring maimbitahan ang mga turistang Tsino.

Una nang tinukoy ng House leadership sa kanilang pagbisita sa Pag-asa Island ang pagiging mala-Maldives ng lugar.

“Aside from the CIF, we also want to encourage ‘yong master planning ng Kalayaan Islands, ‘pag titignan mo talaga ‘yong eight islands para siyang Maldives ano. So we’re seeing a potential of not only making it a more friendly and maybe we can also attract Chinese tourists to go there, so instead na pag-awayan, gawin natin productive ‘yong islands.” ani Co.

Sa ilalim ng panukalang 2024 budget pinaglaanan ng P3 billyon ang pagpapalawak ng paliparan sa Pag-asa Island upang makalapag ang mas malalaking aircraft.

Maliban dito, aayusin din ang eskwelahan sa isla na nasira noong nakaraang bagyo.

Isa naman sa mungkahi ni House Minority Leader Marcelino Libanan ay ang pagpapatayo ng simbahan sa Pag-asa para mapawi ang pagiging agresibo at panggigipit ng China sa lugar.

“‘Yong Pag-asa we’re putting up P3 billion for the expansion of the runway para ‘yong mga jets maka-land kasi as of now, it’s only 1,300 […] meters, so hopefully. We’re also putting up new schools kasi nasira no’ng bagyo, ‘di pa naayos when we visited it, the schools. We’re also thinking na maybe we’ll have some donation for the church kasi kung may simbahan, sabi ni Mino(rity Leader), baka hindi tayo bombahin sa Pag-asa. So hopefully, we want to be more, creative, imaginative in the area.” pagbabahagi pa ni Co. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us