Naniniwala ang ilang mga senador na dapat bigyan ng confidential fund ang Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa susunod na taon.
Ito ay kasunod ng hakbang ng Kamara na alisan ng confidential and intelligence fund (CIF) ang DICT at ilan pang ahensya ng gobyerno.
Ayon kay Finance Committee Chairman Sonny Angara, dapat lang na may pondo para malabanan ang security threats.
Pinunto ni Angara na ang cyber attack na ang bagong uri ng warfare at pwede nitong maparalisa ang gobyerno online.
Dapat aniyang konsultahin ang DICT at pag-aralang mabuti kung outdated na ang paraan ng pag-iisip natin.
Kumpiyansa naman ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na makakaya niyang makumbinsi ang mga kasama niyang senador na makuha ang kinakailangang pondo ng DICT.
Tiniyak rin ng majority leader na bubusisiin pa rin nila ang pondo ng ahensya at baka may nakita ang kamara na nagtulak sa kanila sa kanilang naging desisyon.| ulat ni Nimfa Asuncion