Binuksan na ngayong araw sa Food Terminal Market of Occidental Negros (FTMON) ang Bigasan ng Bayan.
Sa Bigasan ng Bayan, maaaring makabili ng bigas sa halagang P25 kada kilo.
Ang Bigasan ng Bayan na kolaborasyon ng provincial government at Federation of Irrigators Association of Central Negros-Bago River Irrigation System (FIACN-BRIS) ay naglalayong matulungan ang mga pamilyang Negrense na makabili ng abot kayang bigas at matulungan ang mga magsasaka na magkaroon ng siguradong kita.
Tiniyak naman ni Governor Bong Lacson na magiging sustainable ang proyekto dahil 44 na irrigators association ang sumasama sa programang ito.
Bawat mamimili ay maaring bumili ng hanggang limang kilo at bibigyang prayoridad ang senior citizens, indigents at PWDs. | ulat ni JP Hervas | RP1 Iloilo
📸 Negros Occidental Provincial Government