VP at DepEd Sec. Sara Duterte at Senator Imee Marcos, magkasama sa isang gift giving activity sa Navotas City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglunsad ng gift giving activity para sa mga nanay at mga bata sina VP at DepEd Secretary Sara Z. Duterte at Senator Imee Marcos sa Barangay Tangos, Navotas City.

May 500 mga bata at 500 nanay ang target beneficiaries ng aktibidad na inisyatiba ni Senator Marcos.

Sa kanyang talumpati, pinaalalahanan ni VP Sara ang mga magulang na huwag magpaapekto sa mga  nangyayari ngayon sa loob at labas ng bansa na pati  mga produkto ay apektado.

Hinimok sila na paghandaan ang bukas at ang susunod na taon para sa pamilya at pag-aaral ng mga bata.

Wala raw dahilan para hindi makapag-aral ang kanilang mga anak.

Dumalo din sa aktibidad si DSWD Secretary Rex Gatchalian at Navotas City Mayor Tobi Tiangco. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us